Teofimar Renacimiiento

Kandidato ng mga komunista sina Leni at Kiko

279 Views

​HALATANG-HALATA na talaga. Kandidato ng mga komunista sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

​Si Robredo ay tumatakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan, at si Pangilinan ang kanyang lahok sa pagka-bise presidente. Silang dalawa ay mga latak ng Liberal Party na linuwa ng taong-bayan nuong halalang 2016, at sinuka muli nuong halalang 2019.

Sa rally nina Robredo at Pangilinan na ginanap nitong Pebrero 13 sa Quezon City Circle sa Diliman, dumalo ang ilang mga kongresistang kilalang kalaban ng pamahalaan. Pinaghihinalaan ng pamahalaan at ng maraming mamamayang Pilipino na ang mga nasabing mga kongresista ay may ugnayan sa mga komunista at terorista na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Dumalo rin sa nasabing rally ang ilang dating kongresistang pinaniniwalaan ng pamahalaan na may-ugnayan din sa CPP-NPA-NDF.

Ang pangalan ng mga nasabing mga pulitiko ay mababasa sa mga pahayagan, at sa mga ulat sa social media.

Bukod sa pagdalo ng mga pulahan sa rally nina Robredo at Pangilinan, may mga ulat na gumugugol ng malaking halagang salapi ang CPP-NPA-NDF sa kampanya nina Robredo at Pangilinan.

Hindi lihim na ang pera ng mga komunista ay nagmumula sa pangkikikil ng mga kadre ng CPP-NPA-NDF ng pera o “revolutionary taxes” mula sa mga industriya sa mga liblib ng lugar at lalawigan sa Pilipinas. Alam ng madla na sinusunog ng CPP-NPA-NDF ang mga pabrika at kalakal ng mga negosyanteng ayaw magbayad ng “revolutionary taxes.”

Kinikikilan din ng CPP-NPA-NDF ng “campaign fee” ang lahat ng pulitikong nais magkampanya sa mga nasabing liblib na lugar na hawak ng mga komunista, maliban sa mga kandidatong panig sa o kakampi ng mga komunista. Tinatakot, sinasaktan, at madalas pinapatay ng CPP-NPA-NDF ang mga kandidatong ayaw magbayad ng “campaign fee.”

Dahil kandidato ng mga komunista sina Robredo at Pangilinan, “exempted” silang dalawa sa “campaign fee” na kinikikil ng CPP-NPA-NDF sa mga kandidato.

Sa madaling salita, hindi na kailangan magbayad nina Robredo at Pangilinan ng “campaign fee” sa mga komunista, sapagkat silang dalawa ay mga kandidato ng CPP-NPA-NDF. Kikikilan na lang ng mga komunista ang mga kampo ng kanilang mga katunggali sa halalan, lalong-lalo na yung grupo ng mayaman ngunit walang-alam na si Manny Pacquiao, at ang ambisyosong at maraming itinatagong lihim tungkol sa kanyang kayamanan na si Isko Moreno.

Natural, ayaw aminin nina Robredo at Pangilinan na “exempted” sila sa “campaign fee” na kinikikil ng CPP-NPA-NDF. Makatitiyak din ang mga mamamayan na iiwasan nina Robredo at Pangilinan na pag-usapan ang tulong na tinatanggap nila mula sa CPP-NPA-NDF.

Bakit protektado ng mga komunista sina Robredo at Pangilinan? Iyan ang dapat tanungin ng taong-bayan sa kanilang dalawa.

Pati rin yung mga maingay na komunistang mag-aaral, guro at kawani sa Unibersidad ng Pilipinas o UP, panig kina Robredo at Pangilinan!

Napaka-desperado naman talaga nina Robredo at Pangilinan at pumapayag silang maging mga kandidato ng mga komunista. Wala ba silang kahit kakaunting dangal man lang upang tumutol sila na maging kaalyansa ng mga terorista?

Desperadong pinapalabas nila Robredo at Pangilinan na sila ay maka-Diyos. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagdalo ng mga Padre Damaso at mga Madre Damasa sa kanilang mga rally.

Alam nina Robredo at Pangilinan na tulad ng ibang mga komunista sa buong daigdig, walang pinaniniwalaang Diyos ang CPP-NPA-NDF. Kung maka-Diyos talaga sina Robredo at Pangilinan, bakit sila nagpapakandidato sa CPP-NPA-NDF?

Ang katotohanan ay lantad na lantad. Si Robredo ay matalik na kaibigan ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Nuong si Aquino ay nasa kapangyarihan, niluklok niya ang ilang mga komunista sa kanyang gabinete, at sa mga hukuman. Yung isa nga sa mga komunista sa kanyang gabinete, nahuli ng mga pahayagan na bumili siya ng ilegal na DVD sa isang mall! Nakakahiya talaga!

Si Pangilinan naman, may ugnayan na siya sa mga komunista nuong siya ay nag-aaral pa sa UP.Siya ang kandidato ng komunistang samahang Samasa sa UP Student Council nuong taong 1985.

Maliwanag na kandidato ng komunistang CPP-NPA-NDF sina Robredo at Pangilinan.

Unti-unti nang nawawalan ng saysay ang CPP-NPA-NDF sa Pilipinas. Ang mga dating “rebolusyonaryo” sa mga lalawigan ay mga tulisan na lang ngayon. Kapag minalas ang Pilipinas at nagwagi sa halalan sina Robredo at Pangilinan, tiyak na lalakas muli ang CPP-NPA-NDF sa ating bayan, at ipagpapatuloy ng CPP-NPA-NDF ang kanilang pangkikikil at pang-aabuso sa mga mamamayang Pilipino.

Kawawang bayan!

Kung mahal ninyo ang Pilipinas at ayaw ninyo sa CPP-NPA-NDF, huwag ninyong iboto sina Robredo at Pangilinan sa darating na halalan.