Bebot Source: FB post

Kandila sanhi ng sunog sa Lipa, dalagita patay

47 Views

PATAY ang 13-anyos na dalagita matapos na masunog ang kanilang bahay nitong Huwebes ng madaling araw sa Lipa City, Batangas.

Nakilala ang biktima na si Meagan May Gabuna, 13, residente ng Purok 2, Barangay San Carlos, sa naturang lungsod.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 2:45 ng madaling araw at naapula makalipas ang halos isang oras.

Sa inisyal na ulat, naiwang kandila sa silid ng biktima ang pinagmulan ng apoy.

Ayon sa mga imbestigador, isa sa mga kaanak ng biktima ang nagising at kinatok ang ilang kaanak para makaligtas.

Gayunman, nakalimutan umanong gisingin ang biktima na nasa kabilang silid dahilan upang makulong ito at hindi na makalabas dahil sa makapal na usok.

Tinatayang nasa P120,000 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. Nina ZAIDA DELOS REYES & JOJO CESAR MAGSOMBOL