PHIVOLCS Source: Phivolcs file photo

Kanlaon Volcano bumuga ng sulfur dioxide, 8 lindol naitala

16 Views

NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang walong volcanic earthquakes sa Kanlaon Volcano sa Visayas Region noong Sabado.

Bukod dito, sinabi ng Phivolcs na nagbuga din ang bulkan ng 1,611 tonelada ng sulfur dioxide mula 12 ng tanghali noong Sabado hanggang 12 ng tanghali nitong Linggo.

Naobserbahan din ang mga katamtamang plumes na umabot sa taas na 100 metro na naanod sa kanluran-timog-kanluran at kanluran.

Ang bulkan na nananatiling mataas ang edipisyo ay patuloy na nagde-degas at naglalabas ng abo paminsan-minsan.

Nanatili ang Alert Level 3 sa Kanlaon Volcano, na sakop ng mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Sa Alert Level 3, ang Bulkang Kanlaon ay nagdudulot ng mga panganib tulad ng biglaang pagsabog; daloy o pagbuhos ng lava; ashfall; pyroclastic density; rockfall, at lahar kapag malakas ang ulan.

Muling iginiit ng Phivolcs na ang anim na kilometrong radius mula sa summit ng bulkan ay dapat na off limits.

Ipinagbabawal pa rin ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.