Guo3 Si Shiela Leah Gou, kapatid ni dating Bambam Mayor Alice Gou, ay ineskortan ng mga miyembro ng NBI, DOJ, BI at PNP paglapag niya sa NAIA Terminal 1, Agosto 22, 2024. Kuha ni JOSEPH MUEGO

Kapatid, kaibigan ni Alice Guo balik Pilipinas

Chona Yu Aug 22, 2024
83 Views

GuoGuo1Guo2NAKARATING na sa bansa ang kapatid at kaibigan ni dismissed Tarlac, Bamban Mayor Alice Guo na naaaresto sa Indonesia.

Alas singko ng hapon, Agosto 22 nang dumating sa bansa sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., agad na nakipag-ugnayan ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Indonesia para maiuwi sa bansa ang dalawa.

“Yes, well you know what I know. That they were intercepted… in Indonesia, and we are now, of course in coordination with the Indonesian government and the agencies. Arranging for them to be brought back. Siguro within a day,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Inaresto ng Indonesian government sina Ong at Guo dahil sa pekeng pasaporte.

Si Ong ang authorized representative ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sinalakay ng mga awtoridad sa Porac, Pampanga dahil sa mga illegal na aktibidad.

Mga senador pinuri Indonesia

Samantala, pinapurihan. ni Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros ang mga awtoridad ng Indonesia sa napaulat na pagkahuli kay Ong na pinaniniwalaang konektado sa Lucky South China 99 Philippine Offshore Gaming Operation at Sheila Guo.

“Thanks to our international contacts, my office has also independently verified the apprehension of Cassandra Li Ong, and Alice Guo’s sibling Sheila Guo.”

“We commend the Indonesian authorities for their decisive action in upholding the law and maintaining security. This is a promising development, and a testament to our collective efforts. This goes to show how human trafficking facilitated by POGOs is a regional problem that needs a regional, even global, solution,” ani Hontiveros.

Sinabi rin ni Hontiveros na siguardong iimbitahan nila sina Cassandra Li Ong at Sheila Guo kung saan ay nagpahayag siya ng paniniwala na ang dalawang personalidad na ito ay nagkaroon ng malaking partisipasyon sa POGO at ang komite ng senado ay intresado aniyang malaman kung sino ang mga nasa likod ng kanilang pagtakas gayundin ng kay Alice Guo.

Sinabi pa ng senadora na makapagbibigay ang mga ito ng linaw sa mga kaugnayan ng mga protektor ng mga ito at iba pang tao na nasa likod ng operasyon ng POGO at mga kakabit ng krimen na ginawa sa panahon ng kanilang operasyon.

“Mahigpit na binantayan si Cassandra Li Ong dahil siya ang makakapagbigay-linaw at makakapagturo ng mga dapat managot sa mga totoong nasa likod ng POGO na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.”

“Ano nga ba ang kinalaman niya kina Alice Guo, Harry Roque, at iba pa? Sino ang nagpapulit sa kanya at sa kapatid ni Alice Guo para makalabas sa bansa? At bakit butas-butas ang sistema natin sa immigration? Naniniwala ako na masasagot ang lahat yan sa ating susunod na hearing,” ani Hontiveros.

Iginiit ni Hontiveros na sa pagkakataong ito, hindi na makakaiwas ang dalawang personalidad sa imbestigasyon ng senado.

“Inasahan ko rin ang pagdalo ni Cassandra Li Ong at Sheila Guo sa ating pagdinig sa Martes. Mananagot sila sa pag-iwas nila sa Senado,” sabi ni Hontiveros.

Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada na isang malaking bagay ang pagkakahuli kina Cassy Ong at Sheila Guo dahil ang dalawa aniya ay magbibigay liwanag sa isyu ng POGO at sa mga opisyal na nasa likod ng kanilang pagtakas.

Ayon kay Estrada, hindi ito magagawa ng mga taong ito sa kanilang sarili lamang at iginiit ng senador na may ilang opisyal na Pilipino ang kasabwat kina Cassy Ong at Sheila Guo kayat nakalabas ang mga ito.

“Hindi natin pwede palagpasin ito. Malaking bagay na ma extradite sila sa bansa sa lalong madaling panahon dahil lahat ng kasama sa pagpapatakas sa kanila ay mananagot sa batas at ang mga katanungan sa operasyon ng illegal na POGO ay dapat mabigyan ng linaw. Dapat malaman nila mapa appear sa Senado sa lalong madaling panahon dahil si Sheila Guo ang susi para maituro kung nasaan talaga si Alice Guo sa kasalukuyan, ” ani Estrada. Nina CHONA YU, PS JUN M. SARMIENTO & CAMILLE P. BALAGTAS