Barko

Kapitan ng barko, tripulante nangisda, nawala sa Quezon

Gil Aman Sep 5, 2024
48 Views

LABING-limang crew, kasama ang captain, ang nai-report na nawawala sakay ng FBCA Zshan na pinaniniwalaang lumubog sa Kalongkoan Island, Brgy. Calotcot, Bordeos, Quezon.

Ayon sa report, pumalaot ang bangka para mangisda noong Sept. 4 dakong alas-3:55 ng hapon

Sa report ni Noreen Soronel, may-ari ng bangka, nawalan na ng contact mula sa kay Alejandro Mahinay, ang captain ng bangka, noong Sept. 3 dakong alas-9:00 ng gabi.

Ayon kay Soronel, inaasahan nilang babalik ang bangka sa Sept. 6.

Kabilang sa mga nawawala sina Alejandro K. Mahinay, 35, boat captain; Wendel Lucero, 27; Alan B. Alicando, 34; Renaldo A. Labo, 21; Kingjayler Mahinay, 20; Rodrigo S. Beracis, 46; Randy R. Carpon, 26; Rogan D. Beracis, 19; Robert T. Yanag, 37; Jason William D. Masato, 24; Edilberto M. Renegio, 49; Noel Cantela, 48; Alex Balog, 40; Cyril C. Legaspi, 30; at Rolly S. Rasonable, 40.

Lahat ng nawawala residente ng Visayan Villager, Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon.