belobabies

Kapuso at Kapamilya stars, nagharap

Jun Nardo Apr 22, 2022
175 Views

NAGKAROON muli ng friendly encounter ang Kapuso at Kapamilya stars sa nakaraang event ni Dr. Vicki Belo.

Present sa event ang Kapuso stars na sina Alden Richards, Solenn Heussaff, Rhian Ramos at Bianca Umali habang ang Kapamilya stars ay sina Julia Barretto at Maris Racal.

Siyempre, big news sa fans at netizens na makita ang encounter ng stars ng dalawang magkalabang network.

Hindi lang kasi isang beses nagkaroon ng encounter ang stars ng dalawang network.

Anyway, sa Instagram ni Solenn naka-post ang pagsasama ng stars ng dalawang network.

Sa event ding ‘yon na-meet nila ang Crazy Rich Asian author Kevin Kwan at Academy award-winning Hollywood producer Lawrence Bender.

PAPASAHAN NG BATO

PINURI ng aktres na si Iza Calzado si VP Leni Robredo dahil palagi siyang nandiyan sa mga Pilipino tuwing may krisis.

Si Iza ang gaganap na Darna sa TV series ng Darna kaya kung may papasahan siya ng “bato,” para sa tao ’yon na nagpapakita at nagpaparamdam.

Iginiit ng aktres na piliin ngayong darating na halalan ang lider na gaya ni Leni.

Bicolana rin si Iza gaya ni VP Leni, sinabi niyang sanay silang tamaan ng bagyo kada taon ngunit nananatili silang matibay.

Dagdag pa ni Iza, ang tunay na lider ay may mabuting puso at dapat magsilbing inspirasyon sa iba na magkaisa at tumulong sa mga nangangailangan.

Sumama kamakailan si Iza sa campaign rally ni VP Leni sa Davao del Sur kung saan personal niyang nakausap ang bise presidente.