Loren

Karagdagan benepisyo at kumpensasyon, giniit ni Legarda para sa mga barangay health workers

217 Views

NAPAPANAHON na upang bigyan ng karampatan bayad ayon sa uri ng kanilang trabaho ang mga Barangay Health Workers (BHWs) kung saan ay itinaya nila ang kanilang buhay at kapakanan lalo na sa kainitan ng Covid -19 na pandemya.

Ito ang giit ni Senadora Loren Legarda na nagsabing dapat lamang aniyang pangalagaan ng gobyerno ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay upang masigurong ligtas ang maraming Pilipino.

Kamakailan lamang ay nagsumite ng kanyang panukala si Legarda bilang Senate Bill No. 5, kung saan ay hiningi niya na kailangan na ang comprehensive set ng kumpensasyon na kasama ang mga incentives at iba pang benepisyo na dapat ibigay sa mga health workers na ito.

Ang mga Barangay Health Workers ang siyang nagbibigay serbisyo sa kommunidad ng nasasakupang barangay upang magbigay ng tamang pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan nito na hindi kayang magbayad sa mga pribadong ospital.

“BHWs suffer due to the lack of effective support mechanisms and insufficient funds from the local government units. The deplorable state of barangay health programs and services is due to the current shortage of volunteers, the BHWs, whose numbers seem insufficient to address the growing needs of barangays,” ani Legarda.

Tinawag din ni Legarda ang mga BHWs bilang “tunay na bayani” dahil na rin aniya sa pagtaya ng kanilang buhay at kinabukasan sa panahon ng kainitan ng pandemya lalo’t sa mga mahihirap na lugar kung saan ay hindi nila inalintana na tulungan ang mga taong tinamaan ng iba’t ibang uri ng sakit lalo na ang Covid kahit pa nga napakaliit ng tulong na nakukuha mula sa pamahalaan.