Villanueva

Karagdagang ayuda sa mga senior citizens naipasa na sa Senado

246 Views

PINASALAMATAN ng mga senador ang kapwa senador sa pagpasa ng Senate Bill 2506 kung saan ay tinataasan ang regular na pension ng mga senior ciitizens mula sa P500 to P1,000 hangang P1,000.

Ayon kay Sen Joel Villanueva napapanahon na ang pagbibigay ng kaukulang dagdag tulong para sa mga matatanda natin na sadyang nangangailangan na ng tulong at kalinga mula sa gobyerno.

“Matatanda na po sila at napakaraming kailangan bilang maintenance. Alam naman po natin na hindi ganun kadaling humingi sa mga kaanak at anuman tulong na ibibigay ng gobyerno ay malaking bagay para sa mga gamot at pagkain nila,” ani Villanueva.

Ayon naman kay Sen. Leila de Lima na siyang chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development Chairperson ang Senate bill 2506 ay napapanahon na.

“As a senior citizen myself, I understand this measure from the advocates’ perspective. It is a privilege to age and celebrate the gift of life that God gave us.” ani de Lima.

“But as we reach old age, the decline of senior citizens’ productive capacity exposes their sector to various vulnerabilities, and the government must be there to afford them the support they need together with their families,” dagdag pa ng senadora.

Sinabi rin niya na mismong ang World Health Organization ang nagsasabing dapat umano kalingain ng gobyerno ang mga matatanda dahil sa kanilang kalagayan .

“Sa dapit-hapon ng kanilang buhay, hayaan nating sariwain nila ang lahat ng kontribusyon nila sa lipunan na may dignidad at suportang galing sa pamahalaan. Alalahanin natin ang lahat ng kanilang naiambag sa bayan sa panahong sila ay malakas pa. ‘Lahat tayo, tatanda din.” giit nito.

Sa ilalim ng SB 2506, which seeks to amend Republic Act (RA) No. 7432, ang mga indigent senior citizens ay makakatanggap ng hindi bababa sa halangang P1,000 upang makatulong sa mga pangangailangan pang gamot.

Sa ilalim ng SB 2506 inatasan ng Department of Social Welfare and Development bilang mandato ang pagbibigay ng karagdagan social pension tuwing ikalawang taun.