Romero

Karagdagang subsitence allowance para sa hanay ng AFP ikinagalak ni Romero

Mar Rodriguez Aug 13, 2024
64 Views

𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗿𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝘁 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗶𝗿 𝗙𝗼𝗿𝗰𝗲 (𝗣𝗔𝗙), i𝗸𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗶 𝟭-𝗣𝗔𝗖𝗠𝗔𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 “𝗠𝗶𝗸𝗲𝗲” 𝗟. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼, 𝗣𝗵.𝗗., 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 “𝘀𝘂𝗯𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗮𝗻𝗰𝗲” 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗺𝗲𝗱 𝗙𝗼𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 (𝗔𝗙𝗣) 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗼𝘀𝗲𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁.

Ayon kay Romero, chairman din ng House Committee on Poverty Alleviation, labis nitong ikinatutuwa ang ibinalita ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na mahigit doble ang arawang ng mga sundalo sa ilalim ng 2025 national budget.

Paliwanag ni Romero, malaking tulong para sa mga kawal ang karagdagang subsistence na ipagkakaloob sa kanila ng pamahalaan sa susunod na taon.

Aniya, makakatulong ito par amatustusan ng maayos ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya gaya ng edukasyon para sa kanilang mga anak.

Pagdidiin ni Romero, hindi aniya matatawaran ang malaking ambag na ibinibigay ng mga miyembro ng AFP para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng bansa sa gitna ng mga banta at peligro na kanilang kinakaharap.

Sabi pa ng kongresista, ang karagdagang susbsistence allowance para sa hanay ng AFP ay isang pagpapatunay lamang na buo ang suporta ng liderato ng Kamara de Representantes para tugunan ang pangangailangan ng mga sundalo.