FlorCruz

Kauna-unahang liquid steel plant itatayo sa bansa

195 Views

Kasama sa pinirmahang bilateral agreement ng Pilipinas at China ang pagtatayo ng kauna-unahang liquid steel plant sa bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz inaasahan na magpapasok ng $1.5 bilyon hanggang $2 bilyong investment ang mga kompanya ng China para sa pagtatayo ng liquid steel plant sa bansa.

Sinabi ni Ambassador FlorCruz na ang Pilipinas ay isa sa iilang bansa sa Southeast Asia na walang steel plant.

“So ang plano pong ito ay mag-uumpisa iyong ating steel industry. Kasi kung wala tayong steel industry na sarili, iyong manufacturing natin, lalo lagi tayong reliant on imports,” ani FlorCruz.

Makalilikha umano ng 2,000 hanggang 3,000 trabaho sa itatayong steel plant.

Pinirmahan ang bilateral agreement sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China kamakailan.