Quiapo Isang eksena sa ‘Batang Quiapo’ tungkol sa adultery. Source: ABS-CBN Entertainment

Kelot huli sa boga, pakikipagtalik sa misis ng iba

22 Views

ARESTADO ang isang lalaki na may dalang baril matapos mahuling nakipagtalik sa babaeng may asawa sa Purok 3, Brgy. San Francisco, Lipa City, noong Linggo.

Bandang alas-2:10 ng madaling araw naaresto ang suspek na si alyas Leonil at dinala sa Lipa City police ng dalawang tanod ng Brgy. San Francisco na sina Jayson Aguila Perez at Ronald Lique Lumbera.

Nakatakas ang kasamang babae ng suspek na si alyas Jenny.

Base sa imbestigasyon, hinahanap ni alyas Herbert, 28, ang kanyang asawang si alyas Jenny at nalaman niyang nasa karating sa Unacho Farm sa nabanggit na lugar andon ang kanyang asawa kasama si alyas Leonil.

Sa pagkakataong iyon, naghinala ang biktima na nasa loob ng guard house ang kanyang misis na si alyas Jenny kaya sinipa niya ang pinto, at nahuli niya ang mga suspek habang nasa akto ng pagtatalik.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga tanod kaya nahuli ang lalaki.

Noon narekober kay alyas Leonil ang 12-gauge shotgun na walang kaukulang mga dokumento.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong adultery at violation of RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.