Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Calendar
Metro
Kelot kalaboso sa pambubugbog ng misis
Melnie Ragasa Jimena
Apr 24, 2023
645
Views
KALABOSO ang 42-anyos na lalaki na nambugbog umano ng kanyang misis sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Bernardo Lingcay, 42, at residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Nag-away umano ang suspek at ang kanyang misis na si Nhor dahil sa nasirang pang-ahit alas-9 ng umaga noong Linggo, Abril 23.
Sinaktan umano ng suspek ang biktima gamit ang isang tubo at balde. Ikinulong pa umano ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang bahay at pinagbantaan na papatayin kung lalabas.
Nakatakas naman ang biktima at humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti- Violence Against Women and their Children Act.
2 lalaki ninakawan security agency, huli
Oct 30, 2026
Binata siningil sa P100K na utang, 3 tao minartilyo
Oct 30, 2026
Waiter huli sa 3 bilang ng statutory rape
Oct 30, 2026

