Kelot Kinilala ni Police Major Fredwin Sernio ang suspek na nahulihan ng baril na walang dokumento sa Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Kelot na may baril na walang lisensiya binitbit sa selda

Jon-jon Reyes Aug 10, 2025
271 Views

ARESTADO ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD)-Sta. Cruz Police Station 3 ang 39-anyos na lalaki dahil sa pagdadala ng baril na walang lisensya sa Oroquieta corner Mayhaligue St. sa Brgy. 316, Sta. Cruz Manila noong Sabado.

Kinilala ang suspek na si alyas Kell.

Ayon kay Police Major Fredwin Sernio, hepe ng MPD Police Station 3, bandang alas-12:15 ng hatinggabi nadakip ang suspek dahil sa sumbong ng concerned citizen tungkol sa lalaki na may bitbit na baril sa nasabing lugar.

Pinuntahan ng mga pulis ang lugar at naispatan ang suspek.

Dinisarmahan ng mga pulis ang suspek at nakuha ang 9mm pistol na may anim na bala.

Nang tanungin kung may mga dokumento siya ng baril, walang maipakita ang lalaki kaya diretso aresto ang inabot niya.

Nakakulong sa MPD police station 3 ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearm and Ammunition).