BOC

Koleksyon ng BOC lumagpas sa target

Paul M Gutierrez Oct 6, 2022
168 Views

LUMAGPAS sa target ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) noong Setyembre.

Umabot sa P79 bilyon ang nakolekta ng BOC noong nakaraang buwan lagpas ng P17.68 bilyon sa target nito.

Mula Enero hanggang Setyembre ay P638.7 bilyon na ang nakokolekta ng BOC lagpas ng 17.8% sa target nito sa unang siyam na buwan ng taon.

Mas mataas din ito ng P168.9 bilyon sa nakolekta ng ahensya sa kaparehong panahon noong 2021.