Dolyar

Philippine peso muling sumadsad

126 Views

MULING sumadsad ang halaga ng Philippine peso sa all time record low na P59:$1 ngayong Huwebes, Oktobre 13.

Ito na ang ikatlong beses na bumaba sa P59 ang halaga ng isang dolyar. Una noong Oktubre 3 at sumunod noong Oktubre 10.

Mayroong mga eksperto na nagsasabi na posibleng umabot pa sa P60 ang palitan dahil sa mga hakbang na ginagawa ng Estados Unidos upang mapalakas ang kanilang ekonomiya.