MRT7

Konstruksyon ng MRT-7 depot simula na

300 Views

SINIMULAN na ang konstruksyon ng train depot sa Bulacan para sa Metro Rail Transit 7.

Ayon sa San Miguel Corp. (SMC) ang itinatayong depot sa 20 hektaryang lupa sa San Jose del Monte City ay kayang paglagyan ng 150 bagon, mas marami kaysa sa inaasahang 108 bagon.

Target na matapos ang MRT-7 sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan ay 60% ng tapos ang proyekto at nakatuon na umano ang atensyon sa pagtatapos ng 12 sa 14 na istasyon.

Ang nalalabing dalawang istasyon ay mayroon pa umanong mga problema sa right of way.

Nagsimula na ring dumating sa bansa ang mga tren na gagamitin sa MRT-7. Gawa ito ng Hyundai Rotem na nakabase sa South Korea.

Ang MRT-7 ay isang unsolicited proposal ng San Miguel Group sa ilalim ng public-private partnership project. Nagkakahalaga ito ng P77 bilyon.