Poa

Kontrobersyal na laptop ikinokonsiderang palitan ng DepEd

213 Views

IKINOKONSIDERA ng Department of Education (DepEd) na palitan ang mga biniling laptop ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Atty. Michael Poa, spokesperson ng DepEd, ang P2.4 bilyong halaga ng laptop na binili ng PS-DBM ay hindi pasok sa technical specification na hinihingi ng DepEd.

Pinag-aaralan din umano ng DepEd kung maaari na i-upgrade ang mga laptop.

“Tingnan natin kung mabagal talaga. Kung meron tayong quick fix within the department para matulungan iyong mga guro, gawin na natin. But that’s the first course of action,” sabi ni Poa.

Ipinasa ng DepEd ang pagbili ng mga laptop sa PS-DBM noong nakaraang taon.

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang mga biniling laptop ng PS-DBM dahil hindi umano ito ang technical specification na ibinigay ng DepEd at mahal umano ang pagkakabili rito ng gobyerno.

Humihingi rin ang DepEd ng budget sa susunod na taon upang makabili ng mga gadget para sa mga guro.