Titosen

Kumpirmasyon sa makapangyarihan CA ng 17 na heneral, opisyales sinuportahan

199 Views

PINAPURIHAN ng mga senador ang kumpirmasyon ng mga natatanging opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Lunes sa harap ng makapangyarihan na Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, napapanahon na ang kumpirmasyon ng ad interim appointment ng 17 na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamumuno ni AFP Deputy Chief of Staff Vice Admiral Anthony Reyes.

Sinabi ni Sotto na hindi umano masusukat ang kabayanihan ng mga ito sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa bayan at sa paglilingkod sa mga PIlipino.

Sinang ayunan naman ito nina Senator Ramon Bong Revilla at si Senador Ronald Bato dela Rosa.

Ayon kay Revilla, tama lamang na bigyan na suporta ang mga nasabing opisyales dahil na rin sa ginawa ng mga ito nuong nagdaan eleksyon kung saan ay napanatili nila ang katahimikan at kaayusan ng buong bansa.

Aniya, hindi masusukat ang ginawang pagbabantay ng mga nasabing opisyales para mapanatiling maayos at malinis ang nakaraan halalan.

Para kay dating PNP Chief Sen. Bato dela Rosa napakaraming kontribusyon at tulong ng mga naturang opisyales partikulag sa grass roots level para maisakatuparan ang programa ng gobyerno sa maraming liblib na lugar sa ating bansa.

Ayon kay dela Rosa, saksi siya sa mga kabayanihan na ginawa ng mga naturang opisyales kung kayat panahon na aniya upang umani naman ang mga ito ng tamang pagsaludo sa kanilang mga nagawa para sa bayan.

Inaprubahan din sa CA ang pag-amyenda sa Chapter 2, Section 5 ng Rules ng Komisyon kung saan ay sinama na rin sa agenda ang pag apruba sa bagong Department of Migrant Workers sa ilalim ng Committee on Labor and Employment na nakatakdang pamunuan ni Susan Toots Ople na anak ng dating Senador na si Blas Ople.