Calendar
Kumpiyansa sa PH, kay PBBM umaarangkada!
ANG pagpasok umano ng P1.7 trilyong investment sa Pilipinas noong 2023 ay isang patunay na mataas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa Pilipinas at liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang sinabi nina House Assistant Majority Leaders Amparo Maria “Pammy” Zamora (Taguig City, 2nd District) at Mikaela Angela “Mika” Suansing (Nueva Ecija, 1st District) at Deputy Majority Leaders Jude Acidre (TINGOG Partylist) at Faustino “Inno” Dy (Isabela, 6th District) sa isang regular na press conference sa Kamara de Representantes noong Huwebes.
Para kay Zamora ang P1.7 trilyong pamumuhunan sa Piliipinas na naaprubahan noong 2023 ay mistulang sagot sa mga kritiko ng mga biyahe sa ibang bansa ng Pangulo.
“So siguro isang paraan ito ng Presidente para ipamukha sa kanyang mga bashers na ito ang produkto ng kanyang pagbya-byahe at hindi lang ito simpleng pagpapahinga at nagtratrabaho talaga ang ating pamahalaan,” sabi ni Zamora.
“I think sinabi ito ng Presidente kasi napakaraming pumupuna kapag bumibyahe siya … kung ilan na ba iyong biyahe niya na foreign trips at sino ang kasama niya. pero kita naman natin sa in-announce niya na almost P1.7 trillion in investments ang inani natin sa kanyang mga pagpunta sa mga foreign countries,” dagdag pa nito.
Sumang-ayon naman si Suansing na nagsabing ang Pilipinas ay isa ngayong “economic superstar” sa international community.
Binanggit ni Suansing ang ilan sa mga biyahe ng Pangulo sa ibang bansa gaya ng US, Japan, at World Economic Forum sa Davos.
“Makikita din natin na very well-respected ang ating mahal na Presidente sa international community. And really, personally, sobrang bilib po ako sa mga remarkable achievements and the recognition that our President is getting from the international community,” sabi ni Suansing.
“So that really goes to show how much of an economic superstar the Philippines has become in the international community … All of the big businessmen, all of the heads of state, want to have like a one-on-one meeting with our President, with our Speaker. So that’s how well respected we’re becoming,” dagdag pa nito.
“That’s why on the part of Congress, we are helping with the amendments we are proposing in the RBH 7, the Charter reforms we are proposing. We are making it easier for the Philippines to be more open to business,” wika pa ni Suansing.
“Kung maisu-summarize sa isang salita, I think what the present situation tells us is, there is on-going confidence in the Philippines. Malaking factor duon ang ating Presidente at ang kanyang ginagawa,” sabi naman ni Acidre.
“Mas maraming naniniwala, mas maraming nagtitiwala sa ating Presidente. Hindi lang dito sa ating bansa kundi sa pandaigdigang lipunan, the international community. So, we are thankful and happy that the efforts of the President are finally paying off,” dagdag pa ni Acidre.
Sa kanyang Labor Day message, sinabi ni Pangulong Marcos na umabot sa P1.7 trilyon ang investment na naaprubahan noong 2023 at inaasahang makalilikha ito ng 108,000 trabaho.
“Ito ay pagpapakita lamang na nasa tamang track ang ating bansa, nasa tamang track ang ating Presidente. And kami naman sa House, we will continue to support the President and the House leadership sa pag-prepare, sa pag-draft, sa pagpursige sa mga batas at mga legislation na kailangan natin para mas maging handa pa tayo sa mga papasok na investments dito sa ating bansa,” sabi pa ni Acidre.
Ayon naman kay Dy ang halaga ng investment na inaprubahan noong 2023 ay patunay na ang Pilipinas ay bukas para sa pagnenegosyo.
“Ito na po iyong outcome nito, ito na po iyong mga fruits of his labor kumbaga. Dahil nakikita naman natin may pledges na tayo or investments, this will equate to more jobs in the country once all these businesses are established, once all these investments are already fully operational,” sabi ni Dy.
“So napakagandang balita po iyan and I believe that this will continue to grow these next few years. Andito pa lang tayo sa first two years ng ating administration and I strongly believe that in the next few years, we would continue to reap more of these benefits from all these foreign trips and pledges,” dagdag pa nito.