Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Kustomer sinaksak barbero dahil gupit di gusto
Melnie Ragasa Jimena
Aug 8, 2025
496
Views
DAHIL hindi nagustuhan ang gupit sa kanya, sinaksak ng 27-anyos na suspek sa pisngi ang barbero na gumupit sa kanya sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City noong Lunes.
Nilalapatan pa ng lunas ang biktima matapos magtamo ng saksak bandang alas-12:00 ng tanghali, ayon sa report.
Ayon sa biktima, nagpagupit ang suspek ng faded-style cut.
Pagkatapos niyang gupitan, bumalik umano ang suspek makaraan ang 30 minuto at bigla na lang siyang sinaksak sa pisngi.
Tumakas ang suspek ngunit naaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District station 14.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

