Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
SMC

Ramon Ang handang pondohan hakbang kontra baha sa Maynila

Edd Reyes Aug 8, 2025
382 Views

NAGBOLUNTARYONG tumulong ang kilalang negosyanteng si Ramon See Ang sa pamahalaan upang malutas na ang malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Inihayag ito ng SMC Tycoon sa harap ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes at ilang mga alkalde sa Kamaynilaan sa ginawang pagpupulong nitong Biyernes ng umaga sa Executive Dining Room sa punong tanggapan ng San Miguel Corp. sa San Miguel Avenue sa Pasig City.

Ayon kay Ang, para wala ng mangyayaring sisihan ay sasagutin na niya lahat ang gastusin ng hindi na kinakailangan pang maglabas ng pondo ang gobyerno at tao upang tuluyang malutas ang mga pagbaha.

Sinabi niya na nagsagawa sila ng imbestigasyon at kanilang natuklasan na tinayuan na ng proyektong pang-imprastraktura tulad ng paaralan, pabahay, at maging ng kalsada ang ilang mga daluyan ng tubig, partikular na rito ang Tullahan River na nagmumula sa Quezon City, patungo sa mga lungsod ng Maynila, Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.

Ganito rin ang nagiging problema ng baha sa mga Lungsod sa katimugang bahagi ng Metro Manila tulad ng Pasay, Paranaque, Las Pinas, at Muntinlupa.

Handa aniya siyang bumili ng lupain na paglilipatan ng gigibaing pampublikong paaralan at pabahay ng gobyerno na kanya ring tutustusan upang maging maayos ang daloy ng tubig bagama’t magagawa lamang aniya niya ito kung bibigyan siya ng pahintulot ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Kabilang naman sa mga dumalo sa pagpupulong sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Las Pinas City Mayor April Aguilar, at Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.