ASF

Laguna apektado na rin ng ASF

Gil Aman Aug 15, 2024
112 Views

STA. CRUZ, Laguna–Kinumpirma ng Laguna Provincial Veterinary Office na epektado na rin ang lalawigang ito ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dra. Mary Grace Bustamante, may insidente na ng ASF sa San Pablo, Calamba City at Nagcarlan, Laguna.

Maraming piggery sa mga naturang lugar subalit pansamantalng hindi muna sinabi ang barangay kinhmg saan naroon ang maraming baboy, ayon sa opisyal.

Samantala sinabi ni P/Lt. Col. Chitadel Gaoiran, Police Regional Public Information Officer, na naglagay na sila ng mga checkpoint at Meat Bio Inspection sa mga mga boundary patungo ng Metro Manila.

Sa boundary ng Quezon at Batangas na papasok ng Laguna inilagay na rin mga checkpoint upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga hayop.