Hernandez

Laguna Gov. Hernandez dumagdag sa sumusuporta kay BBM

179 Views

DUMAGDAG si Laguna Gov. Ramil Hernandez sa bilang ng mga gubernador na sumusuporta sa presidential bid ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Isinapubliko ni Hernandez ang kanyang pagsuporta sa campaign rally ng UniTeam sa Biñan Football Field sa probinsya ng Laguna.

Si Hernandez ang pangulo ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa lalawigan.

“Buong pamunuan ng PDP-Laban kasama po ng iba pang mga partido na nandito ay nagkakaisa para po sa iisang layunin, si Governor Hernandez po bilang pangulo ng PDP-Laban Laguna, ang akin pong presidente at vice president ay BBM-Sara,” sabi ni Hernandez.

Nauna ng inendorso ni Hernandez si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na siyang running mate ni Marcos.

Bukod kay Hernandez, pumunta sa campaign rally sina House Deputy Speaker at Laguna Rep. Marlyn “Len” Alonte, Biñan City Mayor Arman Dimaguila, Vice Mayor Gel Alonte, Hernandez, Vice Gov. Karen Agapay, at Rep. Ruth Hernandez upang ipahayag ang kanilang suporta.