Yorme

Lahat ng bibisita welcome sa Maynila–Mayor Isko

Edd Reyes Sep 29, 2025
255 Views

BUKAS ang Manila para sa lahat ng bibisita dahil mayaman sa kultura at kasaysayan ang lungsod, ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso kasabay ng pagtatapos ng Buwan ng Turismo.

Bago ito sabihin ng alkalde, ipinagmalaki ni Cristal Bagatsing, director ng Department of Tourism, Culture and Arts (DTCAM), maraming pwedeng pasyalan sa Manila ang mga turista.

“Sa unang three months of Yorme’s administration, we cannot deny the fact na ramdam natin ang mga pagbabago with 24/7 governance that is easily accessible to the people of Manila.

Factors why gradually ay bumabalik ang sigla ng turismo sa Maynila,” sabi ni Director Bagatsing.

Hinikayat ni Mayor Isko ang lahat na pumasyal sa Maynila dahil sagana ito sa kasaysayan at may kakaibang ganda’t karakter na dapat ipagmalaki.

Binalaan din niya ang mga bibisita sa lungsod na maging disiplinado.

“Sa mga dadako sa Maynila, huwag naman nilang sirain yung mga munti nating naipundar para maging maaliwalas at maayos ang ating minamahal na lungsod. Lahat kayo welcome sa Maynila,” sabi ni Mayor Isko.