Barbers

Lahat ng illegal na activities naka-angkla sa pogo, pagsisiwalat ni Cong. Ace Barbers

Mar Rodriguez Sep 21, 2022
283 Views

Problemang dulot umano ng POGO ibinahagi ni Barbers

NAKA-ANGKLA umano sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang illegal activities na kinsasangkutan mismo ng mga Chinese nationals.

Ito ang isiniwalat ni Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace Barbers kasabay ng kaniyang pahayag na matagal na nitong pinaninindigan ang pagpapatigil ng POGO operation sa bansa bunsod ng iba’t-ibang uri ng krimen na naka-angkla dito.

Sinabi ni Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na binanggit din nito sa kaniyang privilege speech noong nakaraang 18th Congress na magdudulot ng malaking problema para sa pamahalaan ang pagdagsa ng mga kunwaring turistang Chinese subalit kalaunan ay ginawang mga POGO workers.

Binigyang diin ni Barbers na bago pa man pumutok ang COVID-19 virus noong March 2020, nagbigay na ito ng pahayag na isang malaking banta ang pananatili ng POGO sa bansa dahil maaapektuhan nito ang kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad.

“I had long held that prior to the spread of COVID-19 virus in March 2020, that there are serious effects on the POGOs online gaming operations to our war against money laundering, criminality, graft and corruption and illegal drugs,” sabi ni Barbers.

Binigyang diin pa ng Mindanao congressmanna bukod sa mga pagdukot o kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals kabilang din sa kanilang illegal activities ang prostitution, torture, extortion, illegal drug trafficking at serye ng mga pagpatay.