sara Pinapakita ni Lakas-CMD/HNP Vice Presidential Candidate and Davao City Mayor Sara Duterte (gitna) ang Tibay at Puso sign kasama sina (mula kaliwa) senatoriables Win Gatchalian, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Pampanga 3rd District Rep.Aurelio Gonzales, Vice Governor Lilia Pineda, Governor Dennis “Delta” Padilla, dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, Atty. Sal Panelo at ibang lokal na kandidato sa proclamation rally na ginanap sa Dong Gonzales Dome sa Mexico, Pampanga. Kuha ni VER NOVENO

Lahat ng mayor, opisyal ng Pampanga buo ang suporta sa BBM-Sara

Mar Rodriguez Apr 6, 2022
287 Views

INIHAYAG nang isang kongresista mula sa Pampanga na buong-buo at solido ang kanilang suporta sa pangunguna ng lahat ng Mayor at mga lokal na opisyal ng nasabing lalawigan sa tandem nina dating Sendor at Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice-Presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sinabi ni 3rd Dist Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales na napag-desisyunan nilang suportahan ang tandem nina Marcos at Durterte kabilang na ang lahat ng kandidato sa ilalim ng UniTeam ticket dahil sa magandang plataporma na isinusulong nito.

Naniniwala si Gonzales na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang bansa sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos bilang Pangulo. Dahil sa isinusulong nitong pagkakaisa o unity, pag-asa para sa lahat ng mamamayan at patriotism.

“We have decided to heed and share UniTeam candidates call for unity, hope and patriotism. If they get elected, they will have the unparalleled opportunity to unite the country behind the challenges it will continue to face, like the COVID-19 pandemic and the soaring fuel and consumer prices,” ayon sa kongresista.

Binigyang diin pa ng Pampanga solon na tanging sina Marcos at Duterte lamang ang mga kandidatong mayroong kakayahan para maipagpatuloy ang mga programa at adbokasiya na sinimulan at isinulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kabilang na dito ang pagpapatayo ng mga infrastraktura.

“We also believe Bongbong Marcos and Mayor Inday Sara are in the best position to continue the programs and advocacies of President Duterte such as Build, Build, Build push for infrastructure development,” dagdag pa ni Gonzales.

Umaasa din si Gonzales na bukas ang tándem nina Marcos at Duterte sa panukalang magkaroon ng makabuluhang political na pagbabago sa Saligang Batas na magsusulong naman sa pag-unlad ng bansa sa larangan ng ekonomiya.