dong gonzales

Mga opisyal sa Pampanga sumuporta na sa BBM-Sara tandem

229 Views

SUPORTADO ng mga opisyal sa ikatlong distrito ng Pampanga ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Ayon kay Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. kasama niya ang mga mayor at iba pang lokal na opisyal sa kanyang distrito sa pagsuporta sa BBM-Sara tandem.

“We have decided to heed and share UniTeam candidates’ call for unity, hope and patriotism,” sabi ni Gonzales.

Naniniwala si Gonzales na ang pamumuno nina Marcos at Duterte ang kailangan upang agad na makaahon ang bansa sa mga hamon na dulot ng pandemya.

“We also believe Bongbong Marcos and Mayor Inday Sara are in the best position to continue the programs and advocacies of President Duterte such as the Build, Build, Build push for infrastructure development,” dagdag pa ng kongresista.

Nagpasalamat din ni Gonzales kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsuporta nito sa kanyang distrito at sa buong Pampanga.

Isang meet and greet ang inorganisa ni Gonzales upang makasalamuha nina Marcos at Duterte ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan at mga barangay.