Martin

Lakas-CMD nadagdagan pa mga miyembro

Mar Rodriguez Aug 16, 2022
247 Views

Martin1Martin2

INAASAHANG hindi maglalaon ay magiging “majority party” sa Kamara de Representantes ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) matapos na muling madagdagan ang kanilang miyembro kung saan ay umabot na sa 6 ang bilang ng mga kasapi nito.

Pinangasiwaan ni House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez, presidente ng Lakas-CMD, ang “oath taking” ng dalawang bagong miyembro na sina Reps. Maria Fe R. Abunda ng Samar at Charisse Ann C. Hernandez-Alcantara ng Calamba City.

Sinaksihan naman ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, President Emiritus ng Lakas-CMD, ang panunumpa nina Abunda at Hernandez-Alcantara.

Kasabay nito, pinangasiwaan din ni Romualdez ang panunumpa ng mga bagong kasapi ng Lakas-CMD na sina Taft Mayor Gina Ty at dating Guiuan Mayor Christopher Sheen P. Gonzales (sina Ty at Gonzales ay mga tagaEaster Samar Province).

“We are happy that two more colleagues of ours in the House have chosen to join us in Lakas-CMD. We look forward to having a fruitful and pleasant bonding and interaction with them and the rest of our members,” sabi ni Romualdez.

Dahil sa pagkakadagdag ng mga bagong miyembro ng Lakas-CMD, ang nasabing partido ang kasalukuyang pinakamalaking partido politikal saMababang Kapulungan ng Kongreso sa ilalim ng 19th Congress.