Martin

Lakas-CMD pinakamalakas na partido sa kamara dahil sa pagkakadagdag ng tatlo pang kongresista

Mar Rodriguez Jul 18, 2022
249 Views

INAASAHAN na ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang isa sa mga pinakamalakas na partido sa Kamara de Representantes matapos muling madagdagan ang bilang ng kanilang mga miyembro isang linggo bago ang pormal na pagbubukas ng 19th Congress.

Ito ang nabatid kay incoming House Speaker at Leyte 1 st Dist. Rep. Martin G. Romualdez na dumagdag sa kanilang miyembro ang tatlong kongresista isang linggo bago ang pagbubukas ng session ng Kongreso at kauna- unahang State of the Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sinabi ni Romualdez na ang mga mambabatas na nadagdag sa mga miyembro ng Lakas-CMD ay sina Reps. Joey Sarte Salceda ng 2 nd Dist. ng Albay, Maria Vannessa Aumentado ng 2 nd Dist. ng Bohol at Ian Paul Dy ng 3 rd Dist. ng Isabela.

Nanumpa naman bilang mga bagong miyembro ang tatlong kongresista kay Romualdez, Pangulo ng Lakas-CMD, sa isinagawang simpleng seremonya sa City of Manila.

“We welcome our new members.

We are delighted by their decision to join us.  we look forward to a productive engagement with them and the rest of
our membership,” sabi ni Romualdez.

Naniniwala si Romualdez na ang lumalaking bilang ng mga kasapi ng Lakas-CMD sa Kongreso ay nagbibigay aniya ng isang positibong senyales na magiging solido ang suporta ng mga kongresista sa ilalatag na legislative agenda ni President Bongbong Marcos.