Lalake, babae nakitang duguan, patay sa loob ng bahay

9 Views

ISANG lalake at isang babae ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang bahay sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City police ang mga biktimang tadtad ng saksak na sina Rhona Libang Lalusin alyas Rhona at si Kurt Ace Lalusin, alyas Kurt.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang kapitbahay na kinilalang si Eva Latorre Malabanan ay nagtungo sa bahay ng mga biktima bandang alas-4:26 ng hapon ng October 22, 2024 sa Purok 7, Brgy Pangao,

Ayon sa saksi, si Rhona ay nakitang duguan at nakahandusay sa sahig sa loob ng kanilang bahay na walang pang-ibabang damit. Maksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.

Si alyas Kurt ay nakahandusay sa kama sa loob ng kanyang kwarto at may mga saksak sa mukha at leeg.

Agad na iniulat ni Malabanan ang insidente kay PSSg Leo Lingao at inereport sa kapulisan sa istasyong ito.

Humiling ng tulong ang mga kapulisan sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) technicians para sa teknikal na imbestigasyon.