Calendar
Metro
Lalaki binaril sa tiyan, ulo, dedo!
Melnie Ragasa Jimena
Aug 28, 2026
149
Views
PATAY ang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City noong Huwebes.
Sa imbestigasyon ng Holy Spirit Police Station, bandang alas-9:45 ng gabi nang makarinig ng dalawang putok ng baril ang isang barangay public safety officer (BPSO) sa Fort Bonifacio St.
Nang tingnan nito ang pinagmulan ng mga putok, tumambad sa kanya ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa kalsada.
Humingi ng tulong ang saksi sa mga opisyal ng barangay at isinugod ang biktima sa FEU-NRMF Medical Center pero dead-on-arrival ang biktima dahil sa tama ng bala sa tiyan at ulo.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek at motibo sa pamamaril.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

