Calendar

Provincial
Lalaki di nakapalag sa warrant of arrest, tiklo sa nakaw
Steve A. Gosuico
Jul 30, 2024
118
Views
GUIMBA, Nueva Ecija–Laglag sa kamay ng mga pulis ang 37-anyos na lalaki dahil sa kasong qualified theft.
Hindi na nanlaban ang naarestong suspek nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Cristo dakong alas-7:00 ng umaga sa bayang ito.
Ang pag-aresto sa suspek isinagawa sa bisa ng warrant of arrest para sa qualified theft na inisyu ng Presiding Judge ng San Fernando City, Pampanga Regional Trial Court Branch 43.
May inirekomendang P120,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Midwives mas malaki kita sa mga nurses–BPSU pres
Feb 22, 2025
LUISTRO TUMULONG SA PAGPAGAWA NG BAGONG TULAY
Feb 22, 2025
Lian, Rosario, Calaca nagkaroon ng dental mission
Feb 22, 2025