Bangkay Source: File photo

Lalaki nawala, nakitang patay sa beach

Bernard Galang May 18, 2025
17 Views

ISANG lalaki noong Sabado ang natagpuang patay sa dalampasigan ng beach sa Zambales, ayon sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen Jean Fajardo.

Kinilala ng Zambales police ang biktima na si alyas Jonard ng Brgy. San Antonio, Sasmuan, Pampanga na narekober sa dalampasigan ng Brgy. Pundaquit, San Antonio, Zambales.

Bago matagpuan ang bangkay, naiulat na nawawala ang biktima ng kanyang mga kainuman.

Kinabukasan nakita sa baybayin ng beach ang biktima at idineklarang dead-on- arrival ng madala sa San Antonio Rural Health Unit.