PNP naglunsad ng CASSN
May 8, 2025
COMELEC: BUMOTO NG TAMA
May 8, 2025
Abalos patuloy ang pag-angat sa survey
May 8, 2025
Calendar

Provincial
Lalaki pinaulanan ng bala ng pinsan, patay
Christian Supnad
Jan 30, 2025
97
Views
MAGSINGAL, Ilocos Sur–Patay ang lalaki matapos tadtarin ng bala ng kanyang pinsan na nakatakas noong Miyerkules sa Brgy. Patong, Magsingal Ilocos Sur.
Namatay sa tama ng mga bala si Edmon Ronquillo Unciano, 43, ng barilin ni Maynard Torreno Jr., 33, ng Sitio Centro, Brgy. Patong, Magsingal.
Ayon kay Inspector Richard Pajo, hepe ng pulisya, maaring miyembro ng gun-for-hire ang pumatay sa biktima base sa nakuhang armalite sa lugar ng krimen.
Sa kanyang report, sinabi ng pulis na papunta ang biktima sa kanyang babuyan biglang pumunta sa likod ang suspek at pinagbabaril ang biktima sa hindi pa alam na dahilan.
Naka-recover ang mga pulis ng 10 basyo ng bala ng M16 armalite sa crime scene.
3 nagpanggap na empleyado ng Comelec, tiklo
May 8, 2025
VILLAFUERTE, CAMSUR MAYORS TODO SUPORTA KAY TOL
May 8, 2025