Landbank

LandBank nakikipag-ugnayan sa DA para mapabilis pagbibigay ng ayuda sa magsasaka

217 Views

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Land Bank of the Philippines sa Department of Agriculture (DA) upang mapabilis ang pamimigay ng ayuda sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program.

Ayon sa LandBank ang hindi pagbibigay ng ayuda sa 90,227 magsasaka sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Western Visayas ay bunsod ng hiling ng DA na bumili ang bangko ng Intervention Monitoring Cards kung saan ipapasok ang tulong pinansyal.

Ginagawa na umano ang mga card na ito at agad na ipamimigay sa mga benepisyaryo kapag natapos.

Inaasahan umano na magsisimula na itong maipamigay sa Setyembre 7.