Lasing

Lasing nag-dive sa ilog na mababaw, pumanaw

Edd Reyes Aug 3, 2025
268 Views

TEPOK ang 48-anyos na lasing ng tumalon na una ang ulo sa mababaw na ilog sa Las Piñas City.

Patay na nang lumutang sa mababaw na ilog sa Manuyo Uno si alyas Michael matapos mabagok ang ulo sa matigas na bahagi ng mababaw na ilog.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) acting director P/BGen. Randy Arceo, nakipag-inuman ang biktima sa kapitbahay na si alyas Ronnie. Naglalakad na pauwi sa Manuyo Bridge ang dalawa dakong alas-9:50 ng umaga pero bigla na lang tumalon si Michael sa ilog na una ang ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nagtulong-tulong ang mga residente sa lugar na maitabi ang bangkay ng biktima upang makuha kaagad ng punerarya.

Inamin sa pulisya ng ama ng biktima na wala sa wastong katinuan ang kanyang anak kaya’t hindi na nila hihilingin pang maimbestigahan ang ugat ng kanyang pagkamatay.