PNP Si Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino kasama ang bagong talagang hepe ng Laur police na si Major Joseph B. Morden (kaliwa) at pinalitan na si Major Danilo Liberato Jr. (kanan). FB photo

Laur PNP may bagong hepe

Steve A. Gosuico Sep 6, 2024
112 Views

CABANATUAN CITY–Itinalaga ng bagong hepe ng Nueva Ecija police noong Huwebes ang bagong hepe ng pulisya ng Laur na si Major Joseph Morden.

Pinangunahan ni Col. Ferdinand Germino, hepe ng Nueva Ecija police, ang pagpapalit ng chief of police ng Laur kapalit ni Major Danilo D. Liberato Jr. sa change of command ceremony.

Inilipat si Liberato, na lumampas na sa kanyang dalawang taong tour of duty, sa personnel holding unit sa provincial police headquarters dito, ani Captain Franklin Sindac, provincial police information officer.