Laurel

Laurel sa opisyal, empleyado DA: Pagtulong sa magsasaka, mangingisda ipagpatuloy

Cory Martinez May 22, 2025
12 Views

HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal at empleyado ng Department of Agriculture (DA) na ipagpatuloy ang kanilang responsibilidad na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagtitiyak sa accessibility ng abot-kayang presyo na pagkain at ang implementasyon ng P20 rice program.

Ginawa ni Tiu Laurel ang paghikayat matapos magsumite nitong Huwebes ng kanyang courtesy resignation bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsumite ng resignation ang lahat ng miyembro ng kanyang Gabinete bilang paghahanda sa gagawing revamp.

“The President has spoken. It’s clear that he seeks the flexibility to respond to the people’s clamor as conveyed in the recent midterm polls.

As members of his official family, we are called to support his efforts to recalibrate and move forward with renewed focus,” ani Tiu Laurel.

“I have submitted my courtesy resignation and now leave it to the President’s good judgment to determine whether I shall continue to be part of his team as he advances his vision for the country,” dagdag ng kalihim.

Sinabi ni Tiu Laurel na patuloy niyang pagsisilbihan ang departamento at ang mga stakeholder nito sa abot ng kanyang makakaya habang wala pang aksyon sa kanyang courtesy resignation.