Phivolcs

Leyte niyanig ng magnitude 4.4 lindol

214 Views

NIYANIG ng magnitude 4.4 lindol ang Leyte ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ang lindol alas-6:49 ng umaga at ang epicenter nito ay natunton pitong kilometro sa kanluran ng bayan ng Merida at may lalim na 11 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV – Merida, Ormoc City, at Isabel, Leyte

Intensity III – Palompon, Matag-ob, Villaba, ay Kananga, Leyte

Intensity II – Albuera, Capoocan, Carigara, at Tabango, Leyte

Intensity I – Calubian, Leyte

Instrumental Intensities:

Intensity IV – Ormoc City, Leyte

Intensity II – Albuera and Calubian, Leyte

Intensity I – Baybay City, Leyte