Cebu Pacific Isang security personnel at ang K-9 nito habang binubusisi ang mga gamit upang matiyak na walang pampasabog ang mga ito.

LGBTQ ‘watusi’ nagdulot ng tension sa pasahero ng Cebu Pacific

88 Views

DALAWANG pasahero ng Cebu Pacific ang nagdulot ng tensyon sa eroplano makaraang mamali ang pagkakaintindi ng ilan sa pinag-uusapan nilang isang salita ng LGBTQ community.

Batay sa ulat, alas-11:10 ng umaga nitong October 19, lulan ng Cebu Pacific Flight 5J486, ang mga pasaherong sina Reynaldo Aleroso at Ernesto Erise.

Narinig umanong nag-uusap ang dalawa kung saan tinanong ni Aleroso si Erise ng “Oi, naubos na ba ‘yong watusi mo?”

Nabatid na ang salitang watusi sa LGBTQ community ay nangangahulugang condom.

Subalit, dahil sa lokal na lenggwahe ang watusi ay kilalang uri ng paputok.

Narinig umano ng cabin crew member na si Ms. Samantha Villarma, ang usapan at agad niyang nilinaw sa dalawa ang kanilang pinag uusapan.

Ipinaliwanag naman ni Aleroso kay Villarma na condom ang kanilang pinag-uusapan.

Gayunman, ipinaalam na ito kay Captain Feram Demabayao, the Pilot-in-Command, na nagpaabot naman sa Cebu Pacific management.

Bilang pag-iingat, nagdesisyon sila na pababain ang lahat ng pasahero at nagsagawa ng inspeksyon.

Makalipas ang ilang sandali, idineklarang clear ang eroplano at pinayagan nang lumipad subalit pinag-rebook ang dalawang pasahero sa susunod na flight.