Calendar
Libong graphic artists maka-BBM-Sara!
HIGIT pang nadagdagan ang hanay ng mga sumusuporta sa BBM-Sara UniTeam matapos isulong ang kanilang kandidatura ng mga graphic artist na nakabase rito sa Pilipinas at abroad, sa pagsasabing sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential bet Inday Sara Duterte ang tamang tambalan na makatutulong at magpapaunlad hindi lamang sa kanilang industriya kundi sa buhay mismo ng mga mamamayang Pilipino.
Karamihan sa mga graphic artist ay miyembro ng GRAPOWA (Graphic Arts Filipino Overseas Workers International Inc.), na isa sa pinakamalaking samahan ng graphic artists sa bansa.
“Whereas, we have faith in the leadership and capacity of ex-Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and Mayor Inday Sara Duterte to attain peace in our country through unity and improve the lives of the Filipino people, especially the marginalized and the disadvantaged,” anang GRAPOWA sa ipinadalang ‘Manifesto of Support’ sa tanggapan ni Partido Federal Secretary General Thompson Lantion.
“We vow therefore to do everything within our power and influence to ensure the victory of the BBM-Sara UniTeam in the coming May 9, 2022 elections,” sabi pa nila.
Pirmado ang manifesto nina Vicente G. de Asis, founding president; Nilo del Mundo, executive vice-president/corporate secretary; Arturo Marquez, 1st vice-president/treasurer; Almar Madrid, 2nd vice-president/auditor; at Allan Mesina, vice-president/ membership.
Sinabi ni De Asis na mahigit sa 11,500 miyembro na nila ang nag-commit ng suporta sa UniTeam mula sa bansang Riyadh, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, gayundin ang mga nasa Pilipinas ngayon na naapektuhan dahil sa pandemya.
Bukod dito, marami rin ang nagpahayag ng suporta mula naman sa mga graphic artist na nakabase naman sa Asian countries tulad ng Taiwan at Malaysia.
“Lahat ng mga nag-i-employ sa graphics arts, nagpi-print ng tarpaulin, large format printer, commercial printer, packaging printer, publishing, iyong mga nasa diyaryo. Marami pa po kami na sinisiguro ang aming suporta sa BBM-Sara UniTeam,” sabi pa ni De Asis.
Nabatid na matagal na silang tagasuporta ni Marcos kahit noong tumakbo pa ito bilang vice-president taong 2016.
“Disappointed kami, alam namin na dinaya dahil sa nangyaring resulta. Lamang na lamang si BBM. Nagkatulugan lang, biglang natalo. Talagang BBM kami noon pa,” sabi pa niya.
Nang tanungin kung bakit BBM-Sara UniTeam ang kanilang sinusuportahan, sinabi ni De Asis na naniniwala sila sa galing at dedikasyon sa trabaho ni Marcos.
“Sa industriya ng graphic arts, misrepresented kami lagi. Gusto namin na makapag-create ng training center o training institute hindi lamang sa aming mga miyembro kundi sa mga non-member mismo. Kung darami kaming mga graphic artists, maraming mage-generate na trabaho,” dagdag pa nito.
Sa kasalukuyan, iba’t ibang campaign materials na rin ang kanilang ipinadadala bilang tulong sa kampanya ng UniTeam.
“Nag-aambag-ambag kami sa abot ng aming makakaya. Bukod diyan, patuloy ang aming ugnayan sa ibang mga printing owners na tumulong na rin sa kampanya dahil panahon na para mapabuti ang Pilipinas,” diin pa nito.