Liderato ng Kamara nagpa-abot ng pakikiramay para sa mga namatay sa lindol sa Turkey at Syria

Mar Rodriguez Feb 14, 2023
192 Views

NAGPA-ABOT ng isang taos pusong pakikiramay ang liderato ng Kamara de Representantes para sa napakaraming mamamayan na namatay sa mapamuksang magnitude 7.8 earthquake na sumalanta sa Southeastern Turkey at Northwestern Syria noong nakaraang Pebrero 6.

Sa pamamagitan ng House Resolution No. 763, sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na ipinaaabot nila ang kanilang marubdob na pakikidalamhati at pakikisimpatya para sa libo-libong mamamayan ng Turkey at Syria na namatay sa lindol.

Kasabay nito, ipina-abot o tinern-over na rin ng Kongreso sa pamamagitan ng “Speaker’s Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ang tulong na $100,000 financial assistance para sa mga biktima ng lindol sa Turkey.

“Along with rest of the world. The House of Representatives commiserates with those affected by the recent earthquakes in Syria and Turkey and hopes for healing and restoration as they rise from the rubbles this horrifying catastrophe,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ang House Resolution No. 763 ay inakda nina Speaker Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga Lone Dist. Cong. Jose Manuel “Mannix” Dalipe, House Minority Leader Marcelino C. Libanan, House Seenior Deputy Majority Leader Alexander “Sandro” A. Marcos at TINGOG Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.