Liderato ng Kamara tiwala sa timeline na napagkasunduan para sa pagpasa ng 2023 budget

Mar Rodriguez Aug 19, 2022
186 Views

TIWALA ang liderato ng Kamara de Representantes sa “timeline” at palugit na napagkasunduan nila para sa pagpasa ng panukalang “national budget” para sa 2023.

Sinabi nina House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose “mannix” Dalipe, Marikina 2nd Rep. Stella Luz Quimbo at Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party List Rep. Margarita Ignacia “Migs” Nograles na magiging pulido at “smooth sailing” ang pagpasa ng National Budget o ang General Appropriations Act (GAA) sa Kongreso.

Napag-alaman ng People’s Taliba na nakatakdang isumite sa Mababang Kapulungan sa darating na Lunes (Agosto 22) ang National Expenditure Program (NEP). Habang sa darating ns Septyembre 30 naman ay sisimulan na ng Kongreso ang unang “recess” nito sa ilalim ng 19th Congress at hindi hindi magko-convene ang session hanggang Nobyembre.

Nang tanungin naman si Cong. Dalipe kaugnay sa kanilang “national Budget schedule”, sinabi ng mambabatas sa isinagawang “Ugnayan sa Batasan Majority News Forum na: “Kaya we are able to do it. Kailangan lang I-manage yung timeline, yung scheduling plus deliberations”.

“Last Congress nagawa natin yun. We were able to beat the September 30 deadline. Giving all members of the House of Representatives time to deliberate, interpellate intelligently with all the Departments. Dito nagsimula yung proseso at gusto namin mabigyan lahat ng mga miyembro ng panahon para suriin yung budget,” sabi ni Dalipe.

Binigyang diin pa ng kongresista na malaki ang kaniyang tiwala na makakaabot din sila sa September 30 deadline o palugit katulad ng ginawa nila noong nakaraang taon.