Zubiri

Liderato ni Zubiri masusubok sa economic Chacha

Mar Rodriguez Mar 8, 2024
129 Views

KUMPIYANSA ang mga miyembro ng Kamara de Representantes na makakakuha si Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ng 18 boto para mapagtibay ng Senado ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

Sa pulong balitaan sa Kamara nitong Huwebes, umaasa sina Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong at Quezon City Rep. Marvin Rillo na gamit ang karanasan ni Zubiri, na dati ring Senate majority leader ay makukumbinsi nito ang kanyang mga kapwa senador na suportahan ang RBH 6 na kanyang inakda.

“If there is a will, there is a way. Popular saying po ‘yan. Sa Tagalog po, kung gusto ay maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. So, ako po ay optimistic pa rin,” ani Adiong, na nagsisilbing tagapangulo ng House Special Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation.

“Given his track record as a legislator. He is one of the best Majority Leaders that the Senate has ever produced. He has all the available techniques, strategies to come up with this number. In fact, that he’s still there as the Senate President proves that he has the numbers to deliver,” sabi pa ni Adiong

Dagdag pa nito, ang pormal na pagpapatibay ng Senado sa Rules nito kaugnay ng proseso sa pagpasa ng resolusyon na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon ay pagpapatubay ng pagnanais nito na matupad ang pangakong aaprubahan ang RBH 6.

“Optimistic pa rin po ako dahil unang-una, SP (Zubiri) has already given his assurance to the President. Remember in one of his interviews in previous months, he claimed that he sat with the President many times including some of the senators, his colleagues,” wika pa niya.

“In fact, he is one of the authors of RBH 6. SP Migz, who is really a dear friend to me, lahat naman yata kaibigan si SP Migz, amenable na tao po iyan. So, maybe he can use that, his charm, if he’s having trouble garnering votes of 18,” ayon pa kay Adiong.

Sinangayunan naman ito ni Rillo na nagpahayag din ng mataas na pagrespeto kay Zubiri.

“He’s one of the best congressman the country has ever produced, one of the best senators, one of the best Majority Floor Leaders, even one of the best Senate Presidents,” giit ni Rillo.

Ang pagkalap ng 18 boto para ipasa ang RBH No. 6, ayon kay Rillo, ay magiging isang hamon sa pamumuno ni Zubiri.

“Now it is a challenge to his leadership because this time, ngayon naiintindihan na ng taong-bayan na talagang ang Chacha ay para sa tao. More jobs, more business investors, lowering the inflation – pagbaba ng pangunahing bilihin, pagkakaroon ng pagkain sa hapag kainan ng bawat Pilipino,” sabi ni Rillo

“Iyan po ang inaprubahan ng Kongreso ng tao. Ipinapasa na po naming ang bola sa Senado. Now, it is a big challenge to the leadership of our Senate President that if they are truly for the people, they would do their part because as we have said, we have concentrated more on the economic provisions,” dagdag pa ng solon.

“I know Senator Migz. Gaya ng sinabi ko, idol po namin yan. Very good legislator. I know that you know they would prove to the Filipino people that they are not for the oligarchs but for the Filipino people,” wika pa ng Quezon City solon.

Naniniwala naman si Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na maipapasa ang resolusyon kung ang Senado ay para sa interes ng mga Pilipino.

“Well, I respect Senator Migz Zubiri, pero syempre mahirap kasing sabihin mong imposible ang isang bagay na hindi mo pa sinisimulan. Nothing is impossible if you want real service to the Filipino people,” sabi niya.

“Layunin at hangad at obligasyon ng bawat legislator ‘yung tugunan ang pangangailangan ng pamilyang Pilipino at ng Pilipinas. So, I firmly believe na kapag mawala na itong mga fake news tungkol sa economic Cha-cha, ay lalabas na ang tapang ng karamihan ng ating mga senador na ipasa ang panukalang batas na ito,” dagdag pa ng lady solon.

“We believe that it’s just a matter of time for the Senate to embrace the real change that our country needs. It might actually be a test of his leadership on how he can bring to the people the discussion on the real intent of economic Cha-cha.”