Mag-jowa magka-wavelength, bagay na bagay
Aug 9, 2026
Slay mama 10!
Aug 9, 2026
Calendar
Metro
Lolo, 74, inakusahang minanyak pamangkin ni lola, arestado
Edd Reyes
Mar 11, 2025
592
Views
NAGTAPOS ang 14-year hide-and-seek ng isang akusado ng panghahalay na nasilo sa Valenzuela City kamakailan.
Nakatakda ng ibiyahe si alyas Ben, 74, ng pulisya papuntang Masbate na akusado ng panghahalay sa pamangkin ng kanyang misis.
Ibibiyahe siya ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban matapos matiklo sa Gateway Complex, Paso de Blas, Valenzuela.
Naisilbi ang warrant of arrest sa akusado galing kay Cataingan, Masbate Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Domingo Maristela Jr. ng Branch 49 para sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.
Mariing itinanggi ng akusado ang panghahalay kahit na malakas ang ebidensiyang iprinisinta sa hukuman bukod pa sa ginawa niyang pagtatago ng halos 14 na taon sa kamay ng batas.
2 boga kinana, kumana laglag sa parak
Aug 8, 2026
Lalaking suspek sa panghahalay, laglag sa parak
Aug 7, 2026
