Lolo

Lolo nang-awat sa away, tinigok

37 Views

PATAY ang isang lolo noong Biyernes ng umawat sa mga lalaking nag-aaway sa Sitio Balantok, Taal Volcano Island, Brgy. Poblacion 6, Talisay, Batangas.

Ayon sa saksi na si Rie Berjami Lao, 67, dumating sa lugar ang hindi pa nakikilalang suspek dakong alas-7:00 ng gabi para bumili ng aso.

Nagkaroon umano ng alitan sa pagitan ng saksi at ng suspek.

Dumating ang biktimang si Juanito Enriquez Caraan para pakalmahin ang mga ito subalit biglang inatake ng suspek ang biktima.

Sa takot ng saksi tumakbo palayo sa lugar. Bumalik si Berjami bandang alas-6:00 ng umaga at noon natagpuan ng saksi ang biktima na wala nang buhay at tadtad ng sugat sa mukha.

Inilarawan ang suspek na nasa 5’7 ang taas, medyo mataba, nasa edad 25-30, naka maong pants at sleeveless shirt.