Lottila

Lotilla nominee lang, hindi pa kalihim ng DOE

210 Views

NILINAW ng Malacañang na hindi pa itinatalaga si Raphael Perpetuo Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy (DOE).

Ayon sa Palasyo si Lotilla ay isa pa lamang nominee habang nililinaw pa ang kasalukuyang employment status nito.

Si Lotilla ay kasalukuyang independent director ng Aboitiz Power Corp at ng ACE Enexor, sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Ipinaliwanag ni Cruz-Angeles na sa ilalim ng Section 8 ng Act Creating the Department of Energy (Republic Act No. 7638) walang opisyal, external auditor, accountant, o legal counsel ng anumang pribadong kompanya na nasa industriya ng enerhiya ang maaaring kalihim ng DOE sa loob ng dalawang taon mula sa pagreretiro, pagbibitiw o pag-alis nito sa naturang kompanya.

Sinabi ni Cruz-Angeles na pinag-aaralan pa kung ang pagiging independent director ay itinuturing na opisyal ng kompanya.