Rolando Valeriano

Loyalty check sa hanay ng PNP, AFP di na kailangan -Valeriano

Mar Rodriguez May 12, 2024
121 Views

NANINIWALA si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano na hindi na kailangan magkaroon ng “loyalty check” sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil naninidigan ang mga pulis at sundalo sa kanilang sinumpaang mandato.

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, marami sa mga pulis at sundalo ang nananatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang mamamayang Pilipino at panatilihin ang kapayapaang ng bansa. Kaya marami din sa kanila ang nananatiling tapat sa Pangulo bilang kanilang Commander in Chief.

Ang reaction ni Valeriano ay kaugnay sa naging pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na hindi siya “aware” sa di-umano’y iniuumang o ikinakasang “ouster plot” upang siya’y pataliskin sa puwesto na kinsasangkutan ng mga aktibong opisyales sa PNP at AFP.

Dahil dito, sinabi ni Valeriano na hindi na kailangang pang magkaroon ng loyalty check sa hanay ng PNP at AFP sapagkat marami sa mga pulis at sundalo ang hindi naniniwala sa proseso ng “ouster plot” na sa kanilang paniniwala ay lalo lamang makakagulo sa katahimikan ng bansa.

Binigyang diin ni Valeriano na ang mga lumalahok lamang sa planong pagpapatalsik sa kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng ouster plot ay ang mga grupong ang tanging iniisip at isinasa-alang-alang ay ang kanilang pansariling interes at hindi nila alintana ang resulta ng kanilang pagkilos.

Sinabi pa ng kongresista na hindi maglalaon ay maaaring mahuhulog din sa kamay ng batas ang mga nasa likod ng planong pagpapatalsik sa Pangulo dahil ang anomang masamang pagtatangka ay may katapat na parusa.

“But since the President has reason to believe that his policemen and soldiers are steadfast with their love for our country. I think there is no need for loyalty check. By experience, destabilizers will be caught and have to face the consequence of their acts. They are self-centered,” wika ni Valeriano.