Pagasa

LPA binabantayan kung magiging bagyo

213 Views

ISANG Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes.

Ang LPA ay nasa 1,200 kilometro sa silangan ng Central Luzon. Binabantayan ang LPA kung ito ay magiging bagyo.

Bukod sa LPA, makakaapekto umano sa bansa ang Hanging Habagat sa northern at central Luzon.