Petron

LPG may bawas presyo

182 Views

MAY bawas-presyo ang liquefied petroleum gas (LPG) sa buwan ng Setyembre.

Ayon sa Petron Corporation magpapatupad ito ng P1.75 kada kilong bawas singil sa LPG simula Setyembre 1.

Ang Solane naman ay magbababa ng P1.62 kada kilo.

Ang Phoenix Petroleum ay magbabawas naman ng P1.75 kada kilo.

Ang presyo ng 11-kilo tangke ng LPG ay nasa P838 hanggang P1,024.

Samantala, ang auto LPG ng Petron ay bababa ng P0.98 kada litro at ang Phoenix naman ay P0.95 kada litro.

Ang pagbaba umano ng presyo ay epekto ng mas mababang international contract price ng LPG.